Tuesday, January 27, 2009

Jokes

211. Habang may buhay walang game over!

212. Kung pukulin ka ng bato tinapay ang iganti mo, yung may lason!

213. Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing saka nang maluto'y iba ang kumain, bwisit na pusa yan.

214. Huwag magbilang ng manok kung duling.

215. Kapag maiksi ang kumot, sa baby ipagamit.

216. Kapag ang puno mabunga, maraming mapipitas.

217. Magkulang ka na sa magulang huwag lang sa pagiisip!

218. Ang taong naglalakad nang mabagal may rayuma!

219. Ang iyong kakainin sa kaldero manggagaling.220. Tell me who your friends are and I will tell you who is cute! =)

221. Ang taong naglalakad nang mabagal, matanda na.

222. If you can’t beat them, iiyak mo nalang.

223. Ang taong naglalakad nang mabagal, nagtetext.

224. Ang taong ngigipit, lahat ng pwedeng utangan kinukulit.

225. Kapag maiksi ang kumot, cute.226. Kapag ang puno mabunga, uunahan kita.

227. Pag may usok, kawawa ang may hika!

228. Ang taong naglalakad nang mabagal, bagong tuli.

229. Ang taong naglalakad ng matulin, magaling sa walkathon.

230. Ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, adik sa text.

231. Laging nasa huli ang pinakamatangkad.

232. Ang taong naglalakad ng matulin kailangan magbanyo!

233. Bakit ang friend pag may problema ka, tutulungan ka. Pag malungkot ka, nandiyan siya. Pag umiiyak ka, papatawanin ka. Pag may lakad siya, isasama ka. Pero pag sinabi mong pasaload, tablado na. All text daw siya. Haha.

No comments: